^

Bansa

COVID-19, isa pa rin sa nangungunang sanhi ng pagkamatay sa Pinas – PSA

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
COVID-19, isa pa rin sa nangungunang sanhi ng pagkamatay sa Pinas â PSA
People wearing face masks as protection against the COVID-19 while inside the market in Marikina City. On July 11, DOH reported a 39% increase in COVID-19 in the country.
STAR / Walter Bollozos

MANILA, Philippines — Nananatiling isa ang COVID-19 sa mga ­nangungunang sanhi ng pagkamatay sa bansa sa unang apat na buwan ng taon, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).

Ang mga rehistradong pagkamatay dahil sa ­COVID-19 ay umabot sa 10,226 o 6.5 porsiyento ng total registered deaths mula Enero hanggang Abril 2022.

Batay sa klasipikasyon, ang COVID-19 virus identified at  virus not identified ay parehong kasama sa 15 pangunahing sanhi ng kamatayan.

Nasa ika-6 na na­ngungunang sanhi ng pagkamatay sa bansa na may 7,692 kaso o 4.9 porsyento ng kabuuang pagkamatay ang COVID-19 virus identified  habang sa virus not identified ay umabot sa 2,534 o 1.6 porsyento na ika-14 na nangungunang sanhi ng kamatayan.

Nasa 3 rehiyon ang nag-uulat ng mahigit isang libong pagkamatay sa COVID-19 na kinabibilangan ng National Capital Region (NCR) na may rehistradong 2,440 deaths or 23.9 porsyento ng total COVID-19 deaths mula Enero hanggang Abril 2022; ikalawa ang Region IV-A (CALABARZON) na may 1,521 deaths (14.9%), habang ang Central Luzonay 1,355 deaths (13.3%).

Samantala, lumalabas na ang BARMM ang ­na­­g-ulat ng pinakamababa o 20 lamang na registered COVID-19 deaths.

Ang tatlong nangungunang sanhi ng pagkamatay sa bansa mula Enero hanggang Abril ng 2022 ay ischemic heart disease, cerebrovascular disease, at neoplasms, ayon pa rin sa ulat ni Dennis Mapa ng PSA.

Lumalabas na ito rin ang nangungunang sanhi ng pagkamatay sa parehong panahon noong 2021.

Mula Enero hanggang Abril ng 2022, ang ischemic heart disease ang nangungunang sanhi ng kamatayan na may 29,442 kabuuang pagkamatay sa bansa.

Pumangalawa ang mga cerebrovascular disease; neoplasma, na karaniwang kilala bilang “kanser”; diabetes mellitus at hypertensive disease.

PSA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with