^

Bansa

Halos P6 milyong jackpot sa Lotto 6/42, naiuwi ng taga-Quezony

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Halos P6 milyong jackpot sa Lotto 6/42, naiuwi ng taga-Quezony
Ayon sa PCSO, matagumpay na nahulaan ng lucky bettor ang winning combination na 26-12-20-24-39-41 na may katumbas na P5,940,000.
Edd Gumban, file

MANILA, Philippines — Isang taga-Quezon ang nakapag-uwi ng halos P6 milyong jackpot prize ng Lotto 6/42 na binola ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nitong Sabado ng gabi.

Ayon sa PCSO, matagumpay na nahulaan ng lucky bettor ang winning combination na 26-12-20-24-39-41 na may katumbas na P5,940,000.

Nabili umano ng masuwerteng mananaya ang kanyang lucky ticket mula sa Candelaria, Quezon.

Anang PCSO, maaaring kubrahin ng lotto winner ang kanyang premyo sa PCSO main office sa Mandaluyong City.

Kinakailangan lamang nitong magprisinta ng winning ticket at dalawang ID cards.

Hinikayat din ng PCSO ang publiko na patuloy na tangkilikin ang kanilang mga palaro upang magkaroon ng tiyansang maging susunod na milyonaryo at makatulong pa sa kawanggawa.

Ang Lotto 6/42 ay binobola tuwing Martes, Huwebes at Sabado.

PCSO

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with