^

Bansa

Pinas, palakasin pa ang immunity para maalis na ang COVID restrictions – DOH

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Kailangan munang palakasin ng Pilipinas ang immunity para unti-­unting alisin ang ­COVID-19 ­restrictions, tulad ng ginagawa sa Estados Unidos, ayon sa Department of Health (DOH).

Sinabi ni DOH officer-in-charge Undersecretary Maria Rosario Vergeire na ang bansa ay tumatahak sa parehong direksyon tulad ng US, kung saan ang healthcare system ay magpoprotekta lamang sa mga pinaka-mahina o vulnerable.

Nauna nang inirerekomenda ng US ­Centers for Disease Control and Prevention (CDC) ang pagtanggal sa mga sumusunod na paghihigpit: physical distancing, ­quarantine, at testing para sa mga asymptomatic na pasyente na walang exposure.

Inirerekomenda rin nitong limitahan ang contact tracing sa mga healthcare personnel at iba pang setting na may mataas na peligro.

Sinabi ng CDC na ang Estados Unidos ay nasa mas mabuting kalagayan na ngayon upang maprotektahan ang publiko mula sa matinding impeksyon sa COVID-19.

Bagama’t ang pagluwag ng mga paghihigpit ay hindi nangangahulugan na tapos na ang pandemya, layunin nitong tulungan ang publiko na bumalik sa kanilang normal na buhay nang hindi na kailangang mag-alala tungkol sa coronavirus.

Para naman kay Vergeire, kailangan ng bansa na palakasin pa ang immunity bago alisin ang mga restriction.

Sa pinakahuling ulat tala ng DOH, nasa 72 milyong Pinoy ang fully vaccinated na laban sa COVID-19, kung saan 17 milyon  ang nakatanggap na ng booster shots.

DOH

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with