^

Bansa

Bong Go tinukuran ni Robin sa DDR Bill

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nakuha ni Senator Christopher “Bong” Go ang suporta ng kapwa senador na si Robin Padilla sa kanyang pagsisikap na itulak ang pagpasa ng panukala niyang batas na magtatag ng isang Department of Disaster Resilience.

Sa isang ambush interview pagkatapos ng personal na pagbibigay ng tulong sa mga naghihirap na residente sa Maasin City, Leyte, nangako si Go na susuportahan ang lahat ng pagsisikap at mga hakbang na naglalayong i-rehabilitate ang mga lugar sa Southern Leyte na pinakamatinding tinamaan ng Bagyong Odette noong Disyembre ng nakaraang taon.

“Kami naman po ni Robin, susuportahan po namin bilang senador kung ano ang makakatulong, bilang mambabatas, ‘yung makakatulong sa rehabilitation dito sa Maasin.  Not only sa airport ninyo, kundi sa buong probinsya,” sabi ni Go.

Muling nanawagan si Go para sa pagpasa ng Senate Bill No. 199 na naglalayong itatag ang DDR. Ang nasabing panukala ay naglalayong lumikha ng isang highly specialized na ahensya na may tungkuling tiyakin ang adaptive, disaster-resilient at ligtas na mga komunidad.

“Ako po ay hindi titigil sa Senado na isulong ang Department of Disaster Resilience.  Kasi, tignan n’yo po, kung meron tayong departamento na nakatutok kapag may bagyo, hindi na po tayo kailangan mag-create ng task force para dito,” anang senador.

Pagsasama-samahin ng DDR ang lahat ng mahahalagang tungkulin at mandato na kasalukuyang nakakalat sa iba’t ibang ahensyang may kinalaman sa kalamidad.  Kapag naitatag na, ito ang pangunahing responsable sa pagpapatupad ng mga programa, proyekto at aktibidad na magtitiyak na ang mga komunidad ay disaster-resilient, adaptive at ligtas.

Ang panukala ay nagbibigay din para sa paglikha ng isang Integrated Disaster Resilience Information System (IDRIS) na magsisilbing database ng lahat ng nauugnay na impormasyon sa pagbabawas ng panganib sa kalamidad at pagbabago ng klima.

vuukle comment

CHRISTOPHER “BONG” GO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with