^

Bansa

PWD ID, isinulong gawing ‘lifetime’

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isinulong ni Senador Sonny Angara ang panukalang batas na naglalayong gawing lifetime ang validity ng identification card ng mga piling persons with disabilities (PWDs).

Nais ni Angara na gawing lifetime ang ID ng mga PWD na permanente na ang kapansanan.

Dapat anyang pairalin ang “common sense” at hindi na kailangang i-renew ang PWD ID ng mga taong hindi na gagaling sa kanilang kapansanan.

Kabilang aniya dito ang mga may kapansanan na makikita naman agad sa kanilang pisikal na paggalaw.

Sinabi ni Angara na matagal na niyang itinutulak na gawing panghabangbuhay ang bisa ng PWD IDs lalo na sa mga may kapansanan na permanente.

Hindi naman aniya kailangang suriin pa ang kalagayan nila kada taon para i-renew lang ang kanilang mga ID.

Sa kasalukuyan, ang mga PWD ay kinakailangang mag-renew ng kanilang mga ID kada limang taon batay sa ilalim ng National Council on Disability Affairs Administrative Order No. 001 series of 2021.

Ayon sa senador, ang pagre-renew ay nagdudulot ng malaking hamon sa karamihan ng mga PWD na may mga isyu sa mobility dahil kailangan nilang personal na humarap upang masuri.

Marami pa rin aniyang mga opisina at pasilidad ng gobyerno, kabilang ang mga pampublikong transportasyon ang hindi PWD-friendly kahit marami ng batas tungkol dito.

PWD

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with