^

Bansa

Dokumento sa mabilis na election result transmission, isusumite ng Comelec

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Tiniyak ng Commission on Elections (Comelec) na kanilang isusumite na sa darating na linggo sa Joint Congressional Oversight Committee ang mga dokumento na nagpapaliwanag sa napakabilis na transmisyon ng May 2022 elections results.

Sinabi ni Comelec spokesperson John Rex Laudiangco na nasa tanggapan na ni Commissioner Marlon Casquejo ang mga dokumento.

Ito ay makaraang hilingin ng poll watchdog na National Citizens’ Movement for Free Elections (NAMFREL) at ­dating Information and Communications Technology Undersecretary Eliseo Rio Jr., na magpaliwanag ang Comelec kung paano nangyari ang napakabilis na transmisyon ng mga election results.

Una nang sinabi ng Comelec na ang mabilis na transmisyon nitong nakaraang Mayo ay dulot ng mahusay nilang preparasyon, pag-upgrade sa kanilang mga kagamitan at bagong electronic system.

Iginiit ni Laudiangco na wala silang tinatago sa publiko at dapat na tanggapin muna ng Joint committee ang mga dokumento, suriin bago ihayag sa ibang mga partido.

“Wala pong tinatagong datos at ilalabas po lahat ito,” ayon kay Laudiangco.

Nagdulot din ng pagdududa sa naganap na halalan nang maganap ang sunog sa IT Division ng Comelec kamakailan ngunit iginiit ng komisyon na walang dokumento ang naapektuhan nito.

COMELEC

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with