^

Bansa

Pinas, nakaabang na sa bakuna vs Omicron

Pilipino Star Ngayon
Pinas, nakaabang na sa bakuna vs Omicron
Some of the first time to be vaccinated were rushed to the Carmona Main Vaccination facility in Cabilang Baybay Carmona Cavite after President Rodrigo Duterte said on January 7, 2022 people who have not taken COVID-19 shots will be arrested if they disobeyed stay-at-home orders as infections hit a three-month high.
Geremy Pintolo

MANILA, Philippines — Tiniyak kahapon ng Department of Health (DOH) na isa ang Pilipinas sa mga mauunang bibili ng ‘Omicron adapted vaccines’ na tinawag rin na ‘new generation vaccines’ sa mga bansang nagma-manufacture nito sa oras na maging handa.

“We are going to explore that possibility. We are preparing, and we are going to procure if ever it is available already,” pagtitiyak ni DOH officer-in-charge Undersecretary Maria Rosario Vergeire.

Ayon umano sa mga vaccine manufacturers, ang kasalukuyang mga bakuna ay ginawa para sa mga dating variants ng COVID-19 at hindi para sa Omicron, kaya nagsasagawa ngayon ng mga bagong formulation.

Inaasahan naman na magiging handa na ang naturang uri ng bakuna, partikular ang gawa ng Moderna, pagsapit ng ikaapat na quarter ng kasalukuyang taon.

Naghanda na umano sila ng pondo ukol dito para kung magbigay na ng ‘go-signal’ ang mga eksperto ay agad silang makakabili.

Agad rin naman umano na magbibigay ng rekomendasyon ang Food and Drugs Administration sa expert panel ng Health Techno­logy Assessment Council (HTAC) para mabilis na mabigyan ang bagong bakuna ng ‘emergency use authorization’.

COVID-19 VACCINE

DOH

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with