^

Bansa

225 kaso pa ng Omicron subvariants, nadagdag

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
225 kaso pa ng Omicron subvariants, nadagdag
A grade school student tries on a pair of school uniforms inside a store in Marikina on Monday, Aug. 8, 2022, in preparation for the opening of face-to-face classes on Aug. 22.
The STAR/ Walter Bollozos

MANILA, Philippines — Nakapagtala muli kahapon ng 225 karagdagang kaso ng Omicron subvariants ang Department of Health (DOH) sa ikinasang genome sequencing.

Sa naturang bilang, nasa 190 ang bagong mga kaso ng BA.5, 34 kaso ng BA.4 at isang bagong kaso ng BA2.12.1.

Sa mga kaso ng BA.5, nasa 175 ang nakarekober na sa sakit habang pito ang kasalukuyang nasa isolation pa rin.  Bineberepika pa naman ang istatus ng walo pang pasyente.

Sa BA.4, 33 ang nakarekober na habang ­inaalam pa ang kalagayan ng isa pang pasyente.

Isang pasyente mula sa Davao region ang nagpositibo sa BA.2.12.1 variant ngunit nakarekober na rin.

DOH

OMICRON SUBVARIANTS

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with