^

Bansa

COVID-19 patients sa ICU, tumataas

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Bahagyang tumaas ang bilang ng mga ­pasyenteng may COVID-19 na naa-admit sa intensive care units (ICUs) ng mga pagamutan ngunit tiniyak ng Department of Health (DOH) na nananatiling nasa ‘low risk classification’ pa rin ang bansa.

Tumaas ang ICU utilization rate ng bansa sa 28% mula sa dating 26%.

“Nationally, nanatili po tayong nasa low risk case classification kahit na me­ron na tayong bahagyang pagtaas sa ating ICU admissions at sa mga severe at critical cases,” saad ni DOH officer-in-charge, Undersecretary Maria Rosario Vergeire.

Ipinaliwanag niya na nagsimula ang tuluy-tuloy na pagtaas sa ICU admissions sa pag-uumpisa ng Hulyo. Ang ICU admission at antas ng ‘severe at critical cases’ ngayon ay kapareho na umano ng lebel noong nakaraang Marso.

Nitong Agosto 10, nasa 871 severe at critical na kaso na ng COVID-19 ang naitala, katumbas ng 9.27% ng hospital admissions sa bansa.

Ang karamihan naman ng hospital admissions ay mga ‘asymptomatic’ na nasa 40.98% at mild cases na nasa 40.77%.

Nananatili sa low risk classification ang bansa na may average daily attack rate (ADAR) na 3.51 kada 100,000 populasyon.

COVID-19

DOH

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with