^

Bansa

Shifting ng klase, blended learning plano ng DepEd

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Shifting ng klase, blended learning plano ng DepEd
Pupils of Concepcion Elementary School in Marikina attend bridging classes on Wednesday, Aug. 10, 2022. A bridging class is designed for students to catch up the subjects that are needed to be mastered including Math, Science, AP and English.
The STAR/Walter Bollozos

Dahil sa classroom shortage

MANILA, Philippines —  Plano ng Department of Education (DepEd) na magpatupad ng blended learning at double o triple shifts ng klase upang masolusyunan ang problema sa shortage ng mga silid-aralan.

Sa isang pulong balitaan nitong Miyerkules ay inamin ni DepEd Spokesperson Michael Poa na mayroon pa ring kakulangan ng mga silid-aralan sa National Capital Region (NCR) at Calabarzon bunsod ng malaking bilang ng mga estudyante.

“Meron po talaga tayong shortage ngayon, especially in the Calabarzon area and Metro Manila, kasi may mga schools na reported na mga 68 students pa per classroom,” ayon kay Poa.

Muli ring sinabi ni Poa na plano nilang magtayo ng mga temporary learning spaces sa mga lugar na tinamaan ng mga kalamidad at nakikipag-ugnayan na sila sa mga local government units (LGUs) upang makahanap ng mga lugar kung saan maaaring magdaos ng klase ang mga estudyante, gaya ng mga covered courts.

Inianunsiyo rin ni Poa na maglulunsad sila sa Agosto 15 ng Oplan Balik Eskwela Command Center upang matiyak na magiging maayos ang pagbabalik sa eskwela ng mga bata.

“The intention is to have a command center para po…siguro hihingi na rin kami ng tulong sa media, kapag may napansin kayo sa opening of classes na mga problema, concerns, o issues, matatawag ninyo kaagad sa’min ‘yan para matugunan kaagad ng DepEd,” aniya pa.

DEPED

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with