^

Bansa

‘Overpriced’ laptops iimbestigahan ng Senado

Pilipino Star Ngayon
âOverpricedâ laptops iimbestigahan ng Senado
File photo shows Sen. Koko Pimentel.
Geremy Pintolo

MANILA, Philippines — Pinapaimbestigahan ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel ang isyu kaugnay sa ‘overpriced’ at ‘outdated’ na laptops na binili ng Department of Education (DepEd) sa pamamagitan ng Procurement Service ng Department of Budget and Management (PS-DBM).

Sa Senate Resolution 120 ni Pimentel, ­inaatasan nito ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations na silipin ang ‘overpriced’ at ‘outdated’ na laptops para sa mga public school teachers.

Ang nasabing biniling mga laptops ng PS-DBM para sa DepEd teachers ay aabot ng P2.4 billion.

Lumalabas sa Agency Procurement Request (APR) ng DepEd na P35,046.50 ang halaga ng kada unit ng laptop pero batay sa sariling market survey na ginawa ng PS-DBM, ang kada unit ng laptop na may kaparehong specifications ay aabot ng P58,300.

Bukod sa sobrang mahal na presyo ng laptop ay ‘outdated’ din ito dahil ang processor ng laptop na Intel Celeron ay napakabagal para magamit ng mga guro sa online learning.

Bukod dito, ang intended beneficiaries ng mga laptop na 68,500 na mga guro ay nabawasan pa at nasa 39,583 public school teachers na lamang.

Ipapatawag sa pagsisiyasat ng blue ribbon committee ang DepEd at PS-DBM para pagpaliwanagin kung bakit ‘overpriced’ ang presyo ng laptop gayong ito ay outdated, napakabagal at nabawasan pa ang bilang ng mga makikinabang na guro.

DEPED

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with