^

Bansa

Marcos kinilala ang sakripisyo ng Pinoy health researchers

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Kinilala ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang kahalagahan at sakripisyo ng mga Filipino health researchers sa gitna ng pandemya ng COVID-19.

“I always start with a note of gratitude and of thanks for your sacrifice and for the risks that you take, and all that you have been able to do to help us through this pandemic,” ani Marcos sa kanyang talumpati sa 15th Philippine National Health Research System (PNHRS) Week Celebration sa Pampanga.

Ang ginawa aniya ng mga health researchers ay nakatulong para manatiling buhay ang milyon-milyong tao.

Isa si Marcos sa mga unang nagpositibo sa COVID-19 pagkauwi niya mula sa Europa noong Marso 2020.

“Thank you not only from me as a sufferer of COVID, but for all the millions who somehow have reaped the benefit of your hard work,” ani Marcos.

Inalala rin ni Marcos ang unang pagkakataon sa karanasan ng bansa na ang mga doktor ay walang kaalam-alam sa mga nangyayari gayundin ang lunas sa novel virus.

Nagkaroon aniya ng kakulangan ng impormasyon, ng kaalaman tungkol sa bagong pandemya.

Ito aniya ang dahilan kung bakit nagkaroon ng genome sequencing upang masundan at matukoy ang iba’t ibang mga strain ng COVID-19.

Binanggit din ni Marcos ang test kits na nagawa ng mga health researchers para sa local community.

COVID-19

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with