^

Bansa

Bong Go: Seniors tulungan, ‘wag na pakayurin

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Sa halip na patuloy na pagtrabahuhin habang tumatanda, hinikayat ni Senador Bong Go ang ­gobyerno na palakasin ang pagprotekta at pagtataguyod sa kapakanan ng mga senior citizens.

Ayon kay Go, panahon na rin para sa mga senior citizens na makapagpahinga sila at huwag nang pahirapan pa at pagtrabahuhin pa at kung may maitutulong ang gobyerno sa kanila ay deserve naman nila na makapagpahinga.

Ang importante umano ay hindi sila magugutom at may ikakabuhay dahil ang lifespan lang umano ng buhay natin ay 60, 70, 80 at pagkatapos ay pagtatrabahuhin pa.

Sinabi  pa ni Go na pagkatapos ng maraming taon ng trabaho, ang mga senior citizen ay dapat magkaroon ng pagkakataong makapagpahinga, at dapat na gawin ng gobyerno ang lahat ng pagsisikap upang mapadali ito.

Muli naman iginiit ng senador na hindi siya sang-ayon sa pag-oobliga sa mga senior citizen na magtrabaho upang mabuhay at dapat gawin ng ­gobyerno ang lahat upang maiwasan ang naturang pagpili na maging isang pangangailangan para sa kanila.

“Kung kailangang tulungan ng gobyerno, tulungan po natin. Kaya nga tayo mayro’ng mga iba pang programa mula sa DSWD (Department of Social Welfare and Development) para sa ating mga senior citizens,” giit pa ng senador.

BONG GO

Philstar
  • Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with