^

Bansa

10 'close contacts' ng monkeypox case sa Pilipinas naka-quarantine pa rin

Philstar.com
10 'close contacts' ng monkeypox case sa Pilipinas naka-quarantine pa rin
A medical staff walks in a corridor of a Monkeypox vaccination site in Paris on August 3, 2022. Despite a shortage of people to administer shots, the vaccination campaign is gaining momentum in the Paris region, which has been the epicentre of France's outbreak.
AFP/Julien de Rosa

MANILA, Philippines — Nananatiling nasa isolation ang 10 katao matapos ma-expose sa unang kaso ng monkeypox sa Pilipinas — ito kahit na gumaling na mula sa kinatatakutang virus ang 31-anyos na Pinoy mula abroad.

Ito ang ibinahagi ng Department of Health (DOH) sa isang pahayag sa mga reporters.

"The 10 close contacts of the patient are still undergoing the required quarantine period and have remained asymptomatic," wika ng kagawaran, Huwebes.

"To date, there has been no new case of Monkeypox in the country."

Una nang sinabi ni DOH deputy spokesperson Beverly Ho na tatlo sa 10 close contacts ay nakatira sa parehong bahay ng na-discharge na monkeypox case.

Miyerkules lang nang sabihin ni DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire na posibleng sa 2023 ay makakuha na ang Pilipinas ng bakuna laban sa sakit na minsana'y nauuwi sa pagkamatay.

Ayon sa United Nations health agenda, kumakalat ang sakit sa pamamagitan ng "close contact" sa ibang tao na merong monkeypox rash. Sakop nito ang face-to-face, skin-to-skin, mouth-to-mouth o mouth-to-skin contact, pati na ang pakikipagtalik.

Ilan sa mga sintomas ng monkeypox ang lagnat, matinding sakit ng ulo, kulani, pananakit ng likod at katawan, panghihina at rashes na makikita sa mukha, kamay, talampakan, mata, bibig, lalamunan, at maseselan na bahagi ng katawan gaya ng pwet at ari.

Ang sakit, na unang nakita sa mga tao noong 1970, ay dating nasa mga bansa lang sa Africa ngunit kumalat na rin sa iba't ibang bahagi ng mundo ngayong 2022.

Sa kabila ng lahat ng ito, una nang sinabi ni Vergeire na "irrational" pa ang mga mungkahing isara ang borders ng Pilipinas sa ibang bansa dahil sa sakit. — James Relativo

vuukle comment

DEPARTMENT OF HEALTH

MONKEYPOX

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with