^

Bansa

Pag-import ng 300K MT ng asukal, tinanggihan ni Pangulong Marcos

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Pag-import ng 300K MT ng asukal, tinanggihan ni Pangulong Marcos

MANILA, Philippines — Tinanggihan ni ­Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang panukala na mag-angkat ng karagdagang 300,000 metriko ­tonelada (MT) ng asukal.

Ito ang inihayag kahapon Press Secretary Trixie Cruz-Angeles matapos mapaulat ang pahayag ni Sugar Regulatory Administration (SRA) Administrator Hermenegildo Serafica noong nakaraang linggo na plano ng ­gobyerno na mag-import ng nasa 300,000 MT ng asukal.

Umaabot na sa P100 ang kilo ng refined sugar sa local market.

Ayon kay Cruz-Angeles, ginawa ni Marcos ang desisyon bilang chairman ng Sugar Regulatory Board.

“The President rejected the proposal to import an additional 300,000 MT of sugar. He is the chairman of the Sugar Regulatory Board and denied this in no uncertain terms,” ani Cruz-Angeles.

Nauna nang sinabi ni Serafica na tinitingnan ng SRA ang pag-import ng asukal mula sa Thailand, Vietnam, Malaysia, at Indonesia dahil ubos na ang stockpile ng asukal sa bansa.

ASUKAL

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with