^

Bansa

Monkeypox vaccine, posibleng matanggap ng Pinas sa 2023

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Tatagal pa ng taong 2023 bago makatanggap ang Pilipinas ng suplay ng bakuna kontra sa monkeypox virus, ayon sa Department of Health (DOH) kahapon.

Ayon kay Department of Health (DOH) officer-in-charge Maria Rosario Vergeire, sa ngayon ay nakikipag-koordinasyon na sila sa pribadong sektor na nagpahayag ng intensiyon na tulungan ang DOH sa pagbili ng mga bakuna para sa nasabing hindi pangkaraniwang sakit.

Sa kabila nito, sakaling makabili man sila ng gamot ay maaaring sa taong 2023 pa bago ito maideliber sa Pilipinas.

Nakikipagkomunikasyon na rin sila sa iba pang miyembro ng bansa ng Association of Southeast Asian Nations (Asean) para sa pagbili ng bakuna.

Matatandaang noong Hulyo 29 ay kinumpirma ng DOH na naitala na nila sa bansa ang kauna-unahang kaso ng monkeypox. Ang naturang pasyente ay nakarekober na at nakatapos na ng kanyang isolation period.

DOH

MONKEYPOX

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with