^

Bansa

Delisting ng unqualified 4Ps, pinabibilisan ng DSWD

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pinabibilisan ni Social Welfare and Deve­lopment Secretary Erwin Tulfo sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program National Program Management Office (NPMO) ang graduation activities at exit process para sa mga bagong identified non-poor list ng Listahan 3 (L3).

Ayon kay Tulfo, ang Listahan 3 ay gagamitin sa pagproseso ng delisting ng 4Ps household-beneficiaries na naka­angat na sa buhay.

Sinabi pa ni Tulfo na ang mga households na pasok sa Listahan 3 ay ikukunsiderang household-beneficiaries ng 4Ps.

Bukod sa pagiging mahirap, maaring makapasok din sa Listahan 3 ang mga pamilya na mag-asawa na may anak na 18-anyos pababa o may buntis sa pamilya.

“Dapat siguraduhin natin na ang ilalagay sa 4Ps ay talagang karapat-dapat na maging benepisyaryo ng 4Ps, ­prioritizing the solo parents, farmers, fisher folks, persons with disabilities,” pahayag ni Tulfo.

Inatasan din ni Tulfo ang 4Ps NPMO na siguraduhin na lahat ng municipal and city links will ay magsusumite ng case folders ng kanilang assigned household.

Dapat ding alamin ­aniya ang living conditions ng mga benepisyaryo.

4PS

DSWD

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with