^

Bansa

Facebook live shopping, tatanggalin na simula Oktubre

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Facebook live shopping, tatanggalin na simula Oktubre
This illustration photo taken in Los Angeles, California on October 28, 2021, shows a person using Facebook on a smartphone in front of a computer screen showing the Meta logo.
AFP / Chris Delmas

MANILA, Philippines — Tatanggalin na ng Meta ang kanilang “live shopping feature” sa Facebook umpisa sa Oktubre 1.

“?Beginning on October 1, 2022, you will no longer be able to host any new or scheduled Live Shopping events on Facebook,” ayon sa Meta.

Maaari pa rin naman na makapag-live broadcast ang FB users, pero hindi na sila maaaring makalikha ng “product playlists” o makapag-tag ng mga produkto.

Umaasa naman ang mga live sellers na patuloy silang makakapaghanapbuhay gamit ang feature na ito ng Facebook. Kumikita ang mga negosyante sa live selling sa pagpiprisinta ng kanilang produkto at pagma-mine naman ng interesadong buyers.

Marami sa mga live sellers na ito ang nawalan ng trabaho dahil sa pandemya at umaasa sa online selling habang iba naman ay sinusuportahan ang kanilang pag-aaral.

Sinabi ni Armand Bengco, isang financial expert, na ang pan­demya ang nagtulak sa maraming Pilipino na magnegosyo sa internet dahil sa dami ng taong may account lalo na sa Facebook.

Isa sa mas kilalang online selling apps ay kumikita ng US$17 ­bilyon noong 2021 lamang, kaya maging mga kum­panya ay ikinokonsidera na rin ang pag-arkila sa serbisyo ng mahuhusay na live sellers.

Isa sa dahilan ng Meta sa pagtanggal sa online shopping ay ang pagbabago sa pre­ference ng mga netizens na mas nais ngayon ang maiigsing mga videos kaya mas tututok sila ngayon sa Reels sa ­Facebook at Instagram.

FACEBOOK

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with