^

Bansa

924 bagong Omicron subvariants, nadagdag

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
924 bagong Omicron subvariants, nadagdag
People wearing face masks as protection against the COVID-19 while inside the market in Marikina City. On July 11, DOH reported a 39% increase in COVID-19 in the country.
The STAR / Walter Bollozos

MANILA, Philippines — Nakatukoy ang Department of Health (DOH) ng karagdagang 924 kaso ng mas nakahahawang Omicron subvariants sa pinakahuling genome sequencing.

Kabilang dito ang 906 kaso ng BA.5, 11 bagong kaso ng BA.4, at pitong BA2.12.1.

Ayon kay DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire, umakyat na ang kabuuang kaso ng BA.5 sa 4,013, ang BA.2.12.1 ay nasa 181at 115 ang BA.4.

Inaalam pa ng DOH ang exposure at travel history ng lahat ng pasyente. Wala namang nadagdag sa unang 2 kaso ng BA.2.75 o Centaurus subvariant.

Sa mga bagong kaso ng BA.5, nasa 682 sa kanila ay fully-vaccinated na ngunit dinapuan pa rin ng virus, 14 ang partially vaccinated habang 210 ang bineberipika pa.

Nasa 814 sa kanila ang nakarekober, 49 ang nasa isolation pa habang inaalam ang estado ng 43 pang iba.

DOH

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with