^

Bansa

Omicron wave hanggang ‘ber months’ pa

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — May posibilidad na tu-magal pa hanggang “Ber months” ang nararanasang “wave” sa mga kaso ng COVID-19 Omicron na nakikitang idinudulot ng BA.5 subvariant.

Sinabi ni OCTA Research fellow Dr. Guido David na mas mahaba na kaysa inaasahan ang nararanasang “wave” na una nilang inakala na tatagal lamang ng dalawang buwan tulad ng naganap sa South Africa.

“Right now, it’s looking like it will last up to 4 to 5 months, well into the ‘ber’ months. Pero ‘yung wave natin, it’s possible na prolonged na siya,” ayon kay David.

Ayon naman kay Phi-lippine Genome Center (PGC) Executive Director Dr. Cynthia Saloma, maaaring ituro sa Omicron BA.5 ang nararanasang pagtaas ng mga bagong kaso. Binubuo ng BA.5 ang 85% ng mga na-sequence nilang samples ng mga subvariants sa bansa.

Sa 1,100 hanggang 1,200 samples na nasi-sequence nila kada linggo, ang BA.5 ang “most predominant variant” na kanilang natutukoy kumpara sa ibang subvariants na BA.4, BA.2.12.1 at BA.2.3. — Angie dela Cruz

OMICRON

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with