^

Bansa

PBBM sa PNP: Manatiling tapat, ‘wag abusado

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
PBBM sa PNP: Manatiling tapat, âwag abusado
Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang 121st anniversary ng Phi-lippine National Police kahapon. Tinagubilinan ni Marcos ang mga pulis na maging tapat sa tungkulin at ‘wag abusado. Kasama ng Pangulo ang top PNP officials sa pamumuno ni PNP Chief Gen. Rodolfo Azurin (pangalawa sa kaliwa).
KJ Rosales

MANILA, Philippines — Pinaalalahanan ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr.  lice (PNP) na manatiling tapat at huwag maging abusado sa tungkulin.

Sa kanyang pagdalo sa 121st Police Service Anniversary na ginanap sa PNP Multi-Purpose Center sa Camp Crame kahapon, sinabi ni Marcos na dapat na ibigay ng bawat pulis ang kanilang dedikasyon sa pagseserbisyo.

Ayon sa Pangulo, ka­ila­ngan ng PNP ang suporta ng publiko upang mapanatili ang peace and order sa bansa kasabay ng pag-unlad. 

Aniya, walang imposible kung sama-sama at tulung-tulong upang labanan ang mga nais  gumawa ng gulo.

Binigyan diin din ni Marcos na dapat tiyakin ng PNP na makatwiran ang paggamit ng puwersa sa kanilang tungkulin upang maiwasan ang mga kontrobersiya at isyu.

Tiwala si Marcos sa pamumuno ni Gen. Rodolfo Azurin bilang PNP chief. Aniya, suportado niya ang mga programa ni Azurin para sa pulis at sa publiko.

Samantala, pinangu­nahan din kahapon ni Pangulong Marcos ang Change of Command ng Armed Forces of the Philippines sa AFP General Headquarters sa Camp General Emilio Aguinaldo sa Quezon City.

Nakatitiyak si Marcos na tama ang ginawa niyang pagpili sa bagong AFP Chief of Staff Lt. Ge-neral Bartolome Bacarro.
Tiwala rin si Marcos na mas mapapalakas pa ang AFP sa pamamahala ni Bacarro.

Tinawag din ng Pa­ngu-lo si Bacarro na isang “relia­ble partner” na makakatuwang ng Malacañang sa isang bagong republika kung saan inaasahan na mas magiging tahimik, ligtas at maunlad ang bansa. — Malou Escudero

FERDINAND MARCOS

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with