^

Bansa

Dengue cases, tumaas pa

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Tumaas pa sa 92,343 ang naitalang kaso ng dengue sa bansa mula Enero hanggang Hulyo 23 ngayong 2022, ayon sa Department of Health (DOH).

Mas mataas ito ng 118% kumpara sa mga naiulat na kaso sa parehong period noong 2021 na nasa 42,294 lamang noon.

Pinakamarami sa Region III (15,951), Region VII (9,429) at National Capital Region (7,962).

Mula nitong Hunyo 26 hanggang Hulyo 23, nadagdag ang nasa 21,566 kaso ng dengue kung saan pinakamataas sa Region 3 na may 5,186, kasunod ang NCR na may 2,374 at Calabarzon na may 2,178 kaso.

Nabatid rin na siyam na lamang mula sa dating 10 rehiyon sa bansa ang lumagpas na sa ‘epidemic threshold’ sa nakalipas na apat na linggo. Ang Mimaropa at NCR na lamang ang nagpapakita ng tuluy-tuloy na pagtaas ng mga kaso mula Hunyo 26 hanggang Hulyo 23.

Sa buong bansa, nakapagtala na ng 344 nasawi sa sakit na may 0.4% case fatality rate.

DENGUE

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with