^

Bansa

Admin tasks ng mga guro, planong alisin ng DepEd

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Admin tasks ng mga guro, planong alisin ng DepEd
Nakiisa ang mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) sa isinagawang paglilinis at pagpapaganda ng Baclaran Elementary School Unit 1, sa ilalim ng programang ‘Brigada Eskuwela’ sa Parañaque City, kahapon. Kasabay din nito nagkaloob sila ng school supplies para sa mga mag-aaral kaugnay sa nalalapit na pagbubukas ng eskuwela sa Aug. 22.
Edd Gumban

MANILA, Philippines — Plano ng Department of Education (DepEd) na tanggalin na ang mga administrative tasks ng mga guro.

Ang pahayag ay gi­na­wa ni DepEd Spokesperson Michael Poa, sa gitna ng panawagan ng Teachers’ Dignity Coalition (TDC) na ipagpaliban pa ang pagbubukas ng klase sa kalagitnaan ng Setyembre upang mabigyan ng dagdag na pahinga ang mga guro at dagdag na oras para makapag­handa sa susunod na school year.

Ayon kay Poa, ang mga naturang admin tasks ang pabigat sa mga guro kaya’t nais nilang tanggalin na ito upang makapagpokus na lamang sila sa kanilang pagtuturo at magkaroon ng mas maraming oras sa pagpapahinga.

Una nang sinabi ni Poa na kukuha sila ng mga non-teaching staff, na siyang mag-aasikaso sa mga administrative tasks.

“Kasi ‘yan talaga ‘yong pabigat. Tapos na silang magturo pero mayroon pa silang admin tasks, papeles na kailangang gawin,” aniya pa.

DEPED

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with