^

Bansa

Fiscal Plan ni PBBM, makabubuti sa ekonomiya

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nakasunod sa ‘international best practices’ ang panukalang 2022-2028 Medium-Term Fiscal Framework (MTFF) ni Pangulong Marcos na inaprubahan ng Kamara.

Sinabi ito ni House Ways and Means chairman, Albay Rep. Joey Sarte Salceda, na siyang nag-sponsor ng ‘House Resolution No. 2’ na tina-lakay sa Kamara.

Inilarawan niya itong ‘codification’ ng kasunduan ng pamunuang Marcos at ng bayang Pilipino sa mga pangunahing layunin sa ekonomiya at pananalapi.

Ito anya ay tama at magandang hakbang kaugnay sa nalalapit na talakayan sa national budget.

Nakapaloob sa MTFF ang mahahalagang layunin sa ekonomiya at pananalapi na magiging gabay sa paglikha ng mga kailangang batas ng Kongreso.

Inilalahad nito ang near-term socio-economic agenda na patuloy na magpapatupad ng mga “risk-managed interventions” sa seguridad sa pagkain, enerhiya, transportasyon, pananalapi, kalusugan, proteksiyon ng mga mamamayan at mabisang burukrasiya.

Ayon kay Salceda, titiyakin ng MTFF ang patuloy at walang sagabal na mga ayuda sa mga mamamayan, pagpapagaan sa pagtaas ng ‘inflation’ o pag­mahal ng mga bilihin, pagpapabilis sa pagbangon ng ekonomiya at pagtugon sa kaugnay nitong mga hamon. Layunin din nitong magsilbing ‘medium-term socio-economic agenda’ na lilikha ng higit na marami at may kalidad na trabaho para sa mga Pilipino.

vuukle comment

BONGBONG MARCOS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with