^

Bansa

Pinas, posibleng ‘di na makatanggap ng libreng bakuna

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Pinas, posibleng �di na makatanggap ng libreng bakuna
Ito ay ayon kay Dr. Maricar Limpin, immediate past president ng Philippine College of Physicians, kasabay ng paghahayag ng suporta sa isinusulong na imbestigasyon ng ilang mambabatas sa pamunuan ng Department of Health (DOH) ukol sa isyu.
Philstar.com / Irish Lising, file

MANILA, Philippines — May posibilidad umano na hindi na makatanggap ang Pilipinas ng libreng bakuna mula sa COVAX facility kung mapapatunayan na nagkaroon ng pagpapabaya sa mga nasayang na COVID-19 vaccines na nag-expire.

Ito ay ayon kay Dr. Maricar Limpin, immediate past president ng Philippine College of Physicians, kasabay ng paghahayag ng suporta sa isinusulong na imbestigasyon ng ilang mambabatas sa pamunuan ng Department of Health (DOH) ukol sa isyu.

“’Yong COVAX, sila po ang nagdo-donate tapos malalaman nila na wasted lang ‘yung mga bakuna na ibinigay,” ayon kay Limpin.

Kailangan umano na magkaroon ng transpa­rency at pananagutan ang mga opisyal ng pamahalaan kapag napatunayan na nagkaroon ng pagpapabaya. Ang imbestigasyon din ang magbibigay-daan para mabatid pa ang ibang problema na kinakaharap sa vaccination program ng bansa.

Nauna nang sinabi ni dating Presidential Adviser for Entrepreneurship Joey Concepcion na na-expire ang P5.1 bilyong halaga ng COVID-19 vaccines na nasa pribadong sektor dahil huli na ang pagpapalabas ng guidelines ng DOH para ipamahagi ang second booster.

“Kahit na sabihin na­ting the funds came from the private sector – let us presume – but alam mo ‘yong perang ‘yon, pinaghirapan din ‘yon ng private sector,” ayon naman kay Limpin.

Una na ring nagpahayag si DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire, na handa ang kagawaran na humarap sa imbestigasyon. Pasok din umano sa 10 porsiyentong itinakdang threshold ng World Health Organization ang vaccine wastage ng bansa.

vuukle comment

COVAX

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with