^

Bansa

Sa balik-eskwela, mga magulang makakapag-hanapbuhay na - Marcos

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Sa balik-eskwela, mga magulang makakapag-hanapbuhay na - Marcos
Teachers, parents and students prepare the classrooms of Parang Elementary School in Marikina on Monday, Aug. 1, 2022 for the beginning of face-to-face classes on Aug. 22 2022.
The STAR/Walter Bollozos

MANILA, Philippines — May oras at panahon na ang mga magulang na makapag-hanapbuhay sa sandaling magbalik-eskwela na ang kanilang mga anak ngayong darating na Agosto 22.

“Marami ring mga magulang ang mas magkakaroon ng oras makapag hanapbuhay kapag nasa eskuwelahan na ang kanilang mga anak kaya madaragdagan ang ating workforce at mas marami rin silang magiging option sa pagpili ng trabaho dahil hindi na sila limitado sa online,” ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang pinakabagong vlog.

Kaya sakaling maging matagumpay umano ito ay hindi lang ito balik eskwela kundi balik negosyo, balik hanapbuhay at balik kaunlaran na rin kaya masasabi rin na malaking tulong sa malawakang kilusan natin ang pagbubukas ng ekonomiya.

Ang klase para sa basic education ay magsisimula sa Agosto 22, 2022, at magtatapos sa Hulyo 7, 2023 pagdating ng Nobyembre 2, ang lahat ng public at private schools sa bansa ay dapat na magbago o lumipat sa limang araw na “in-person classes.”

Kaya magiging kapaki-pakinabang din umano sa ibang sektor ang pagbubukas ng klase dahil maraming estudyante ang magko-commute papuntang eskwela kaya makikinabang naman dito ang sektor ng transportasyon.

vuukle comment

SCHOOL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with