^

Bansa

DOJ kumonsulta sa prison expert sa sistema sa BuCor

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Kumonsulta na si Justice Secretary Jesus Crispin Remulla sa isang international prison reform expert upang bumalangkas ng mga plano para sa reporma ng Bureau of Corrections (BuCor) na una nang tinukoy na isa sa problemadong ahensya ng gobyerno.

Nabatid na nakipagpulong na si Remulla kay Prof. Raymund Narag, isang dati ring inmate na nakulong ng pitong taon subalit ngayon ay associate professor na Southern Illinois University.

“It is uncertain in what capacity Prof. Narag will come in as but the two shared opinions and compared notes on the changes they seek to make,” pahayag ni Atty Nico Clavano ng Office of the Secretary.

Nakikita na tila dagok ito sa liderato ni BuCor chief Gerald Bantag dahil walang nakitang pagbabago sa ahensya sa loob ng panunungkulan nito bagkus ay nasangkot pa sa kabi-kabilang kontrobersya mula nang siya ay maupo na hepe nito noong 2019.

Matatandaan na idineklara si Bantag na persona non grata sa Muntinlupa City matapos niyang hara­ngan ng mga pader ang ilang komunidad sa lungsod at isinara sa motorista ang isang kalsada bilang dagdag seguridad umano sa New Bilibid Prison(NBP) ngunit walang permiso mula sa lokal na pamahalaan.

Pumasok din siya sa kontrobersyal na Joint Venture Agreement (JVA) sa pagitan ng Agua Tierra Oro Mina Development Corporation (ATOM) para sa paglipat ng prison facilities mula sa National Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City sa Nueva Ecija nang walang konsultasyon at bidding process. Ang nasabing kasunduan ay pinasuspinde ng DoJ.

Pinakahuling kontrobersya sa BuCor ang magkakasunod na pagkamatay ng walong high-profile inmates dahil umano sa COVID-19 na iniimbestigahan na ngayon ng National Bureau of Investigation (NBI).

vuukle comment

BUCOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with