^

Bansa

Papel ng sekyu sa peace and order, pinuri ni Bong Go

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pinuri ni Senator Chris­topher “Bong” Go ang pagsasabatas sa Private Security Services Industry Act of 2022 na magpapalakas sa regulasyon ng nasabing industriya sa bansa.

Si Go ang co-sponsor ng nasabing panukala, na naging Republic Act No. 11917 noong Hulyo 30. Pinawalang-bisa ng bagong batas ang RA No. 5487.

Sa ilalim ng batas, ang industriya ng private security services ay dapat palakasin upang matiyak na ang kahusayan ng mga pribadong sekyu at propesyonal ay akma sa pagpapatupad ng batas ng bansa sa pangangalaga ng kaayusan ng publiko.

“Alam naman natin kung gaano kahalaga ang ginagampanan ng mga security guards bilang frontliners. Katulad po ng mga pulis at militar, malaki rin ang kontribusyon sa peace and order kahit na sa maliliit na komunidad,” ayon kay Go.

Para matiyak ang ma­taas na kalidad ng mga Filipino security guards, ang batas ay nag-uutos sa lahat ng private security agencies (PSA) na 100 porsiyentong pagmamay-ari at kontrolado ng isang mamamayang Pilipino.

Higit pa rito, pinapadali nito ang proseso para sa mga gustong mag-aplay para sa trabahong security personnel.  Ang mga aplikante ay dapat nasa legal na edad, physically at mentally fit, na may magandang moralidad at hindi dapat nahatulan ng anumang krimen.

Nilalayon din ng batas na pahusayin ang kakayahan ng mga Pilipinong security guard sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga kinakailangang programa sa pagsasanay at edukasyon, kabilang ang mga pangunahing kurso sa security guard, mga espesyal na kurso sa security guard, pagsasanay sa mga opisyal ng seguridad, pagsasanay sa tiktik, at mga kursong ahente sa proteksyon ng kandidato.

“Hindi po natin dapat minamaliit ang trabaho ng isang security guard.  Sila po ang dahilan kung bakit ligtas ang ating mga establisimyento dahil sila rin po ay nagbubuwis ng kanilang buhay para sa ating mga kababayan,” idiniin ni Go.

vuukle comment

BONG GO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with