^

Bansa

Pinoys sa Taiwan naghahanda na sa paglikas

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Pinoys sa Taiwan naghahanda na sa paglikas
Sa panayam ng ABS-CBN TeleRadyo, sinabi ni Mercedita Kuan, secretary-general ng Filcom Taiwan Northern na bagaman normal pa ang sitwasyon sa Taiwan, nananatili pa rin ang kanilang takot.
Wikimedia Commons

MANILA, Philippines — Isang grupo ng mga Filipino sa Taiwan ang magpupulong tungkol sa evacuation plans sa gitna ng tumitinding tensiyon sa pagitan ng Amerika at China.

Sa panayam ng ABS-CBN TeleRadyo, sinabi ni Mercedita Kuan, secretary-general ng Filcom Taiwan Northern na bagaman normal pa ang sitwasyon sa Taiwan, nananatili pa rin ang kanilang takot.

Sinabi ni Kuan na magkakaroon ng virtual meeting sa Linggo ang kanilang grupo at Manila Economic and Cultural Office (MECO) upang talakayin ang mga plano sa paglikas kapag tumindi ang tensiyon.

Ang MECO, isang non-profit na entity ay nagsisilbing “unofficial” link sa pagitan ng Pilipinas at Taiwan.

Itinayo ang MECO noong 1975 bilang kinatawan ng Pilipinas sa Taiwan.

Sinabi ni Kuan na sa gagawing pagpupulong sa Linggo ay lilinawin nila sa MECO kung papaano ililikas ang nasa 8,000 undocumented overseas Filipino workers.

Nagpahayag din ng pag-asa si Kuan na hindi na lumala pa ang tensiyon na nagsimula pagkatapos ng pagbisita sa isla ni US House Speaker Nancy Pelosi.

Nagsimula na rin ang China na magsagawa ng military exercises malapit sa Taiwan.

ABS-CBN FRANCHISE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
no session for state
no session for code
no session for id_token
no session for user