^

Bansa

Pasyente na may monkeypox, magaling na

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Pasyente na may monkeypox, magaling na
A handout picture made available by the UK Health Security Agency (UKHSA) on June 22, 2022 shows a collage of monkeypox rash lesions at an undisclosed date and location.
UK Health Security / Released via AFP

MANILA, Philippines — Wala pang ibang kasong naitala ang monkeypox habang magaling na ang nag-iisang pasyente na naitala ng Department of Health (DOH).

Kinumpirma ni DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire na natapos na ang huling araw o ika-21 araw ng isolation ng pasyente nitong Agosto 5.

Sa ngayon ay magaling na magaling na rin ang mga lesions ng pasyente.

Binigyan na rin aniya ng ‘go signal’ ng kanyang mga doktor ang 31-taong gulang na pasyente para makalabas na ng pagamutan nitong Sabado at makipag-interact sa kanyang pamilya at iba pang tao.

Sa ngayon aniya ay wala pa silang naitatalang bagong kaso ng monkeypox ngunit patuloy pa rin aniya nilang binabantayan ang mga close contacts ng pasyente.

Samantala, sinabi rin ni Vergeire na ang iba pang “suspected” patients ay nasuri na at nag-negatibo sa monkeypox.

Matatandaang ang naturang pasyente ay dumating sa bansa noong Hulyo 19 matapos na bumiyahe sa mga bansang nakapagtala na ng kaso ng monkeypox.

Kabilang sa mga sintomas ng naturang sakit ay lagnat, pananakit ng ulo, pananakit ng kalamnan, pagkapagal, pagkakaroon ng rashes, pamamaga at pananakit ng mga lymph nodes.

MONKEYPOX

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
no session for state
no session for code
no session for id_token
no session for user