^

Bansa

Inflation sumirit sa 6.4% nitong Hulyo - PSA

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Inflation sumirit sa 6.4% nitong Hulyo - PSA
Chicken, meat, Fish and veagtable products stays on high prices due to more demand less supplies due to fuel hike (June 17, 2022). Vendor from Marikina Pulic market said cannot control because of low supplies caused by delivery problem.
Walter Bollozos

MANILA, Philippines — Bumilis pa ang inflation rate o ang antas ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin at serbisyo noong Hulyo 2022.

Ayon kay Philippine Statistics Authority (PSA) chief at National Statistician Claire Dennis Mapa, umakyat sa 6.4 percent ang inflation rate nitong July 2022 na mas mataas sa 6.1 percent noong Hunyo 2022 at malaking taas sa 3.7 percent ng kaparehong buwan ng Hulyo 2021.

“Ang dahilan ng mataas na antas ng inflation noong Hulyo 2022 ay ang mas mabilis na pagtaas ng presyo ng Food and Non-Alcoholic Beverages. Ito ay may 6.9% inflation at 64% share sa pagtaas ng pangkalahatang inflation sa bansa,” pahayag ni Mapa.

Tumaas naman sa 9.2% ang inflation sa ­presyo ng isda at iba pang seafood products mula sa 6.7%, ang karne at iba pang meat products ay nagtala rin ng 9.9% mula sa 8.1% noong Hunyo, ang asukal, confectionary at mga produktong minatamis ay tumaas sa 17.6% mula 10.9% noong June.

Ayon kay Mapa, ang ikalawang commodity group na mabilis ang pagtaas ng inflation ay ang Transport index na may 18.1% noong Hulyo mula sa 17.1% noong June.

Ang pamasahe sa barko ay tumaas din sa 42.6% mula sa 18.6% habang ang pamasahe sa air transport ay tumaas din sa 33.6% mula sa 16.8%.

Ang ikatlong commodity group na nag-ambag sa mas mabilis na July inflation print ay ang Restaurants and Accommodation Services index na may 3.4% mula sa 2.8% at may bahagi na 10.9% sa pagtaas ng kabuuang inflation noong nakaraang buwan.

INFLATION

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
no session for state
no session for code
no session for id_token
no session for user