^

Bansa

Weekend, maulan - PAGASA

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Weekend, maulan - PAGASA
Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), ang maulang panahon ay dulot ng epekto ng habagat at low pressure area (LPA) na nasa Calauag, Quezon.
PAGASA

MANILA, Philippines — Makakaranas na ­maulang panahon ngayong weekend sa iba’t ibang bahagi ng bansa lalo na sa Metro Manila.

Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), ang maulang panahon ay dulot ng epekto ng habagat at low pressure area (LPA) na nasa Calauag, Quezon.

Partikular na makakaranas ng pag-ulan ang Metro Manila, Central Luzon, Ca­labarzon (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, ­Quezon), Mimaropa (Min­doro, Marinduque, Romblon, Palawan), Pangasinan, Nueva Vizcaya, Quirino, Isabela, Cagayan, Bicol region at buong Visayas gayundin ang Zamboanga Peninsula.

“Yung low pressure area po, at yung southwest monsoon, yung po yung mga weather system na nagdadala ng ulan sa ating bansa. Nakikita po natin na especially sa Visayas area, as well as sa Central Luzon, ito yung mga lugar kung saan nakakaranas na ng mo­derate to heavy at kung minsan may intense na pag-ulan,” sabi ni weather specialist Ezra Bulquerin.

Gayunman, wala namang gale warning na i­naasahan sa mga bayba­yin dulot ng mga pag-ulan.

Samantala, ang bagyo na nasa labas ng Philippine area of responsibility (PAR) ay humina na at ito ay ­naging isang LPA. Hindi naman ito nakakaapekto sa ating bansa.

LPA

PAGASA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
no session for state
no session for code
no session for id_token
no session for user