^

Bansa

Mabagal na proseso ng lisensiya, inireklamo

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nasa hot water ngayon ang German IT provider ng Land Transportation Office (LTO) bunsod ng sunud-sunod na kapalpakan kabilang ang mabagal na pagproseso ng drivers’ license.

Sa ginanap na 1st LTO Regional Directors’ Conference, sinabi ni LTO Assistant Secretary Teofilo Guadiz III na plano nilang palitan ang German IT provider na Dermalog kasunod ng sandamakmak na reklamo na natatanggap ng LTO mula sa mga aplikante kung saan inaabot ng halos isang linggo ang pagkuha ng lisensiya mula sa dating dalawang oras lamang.

Bukod pa rito, nakarating kay Guadiz na idinadaan pa ng mga nagrereklamong kliyente ng LTO sa social media ang kanilang pagkadismaya kung kaya’t naisisisi sa pamunuan ng LTO ang kapalpakan ng kanilang foreign IT provider.

Lumilitaw na bukod sa drivers license, tungkulin din ng Dermalog ang pag-asikaso ng motor vehicle registration system na kasamang inirereklamo ng mga may-ari ng sasakyan.

Samantala, hinihikayat ng LTO ang mga IT provider na gustong pumasok at tumulong sa LTO na lumahok sa bidding ng pagproseso ng lisensiya upang maibsan ang problemang kanilang kinakaharap.

LTO

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
no session for state
no session for code
no session for id_token
no session for user