^

Bansa

Balasahan sa Bureau of Corrections, nakaamba?

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Umuugong nga­yon sa Department of Justice (DOJ) ang posibleng balasahan sa matataas na opisyal ng Bureau of Corrections (BuCor) dahil sa sari-saring mga kontrobersya at anomalya na kinasangkutan nito at bilang reporma na rin sa correction system.

Ang pagpapatalsik kay BuCor Chief Gerald Bantag ay umugong kasunud ng pagkunsulta ni Justice Secretary Crispin Remulla sa isang international criminology expert.

Una nang tinukoy ni Remulla ang BuCor na isa sa ‘problematic agency’ na nasa ilalim ng DOJ kaya nalalagay ang buong gobyerno sa masamang imahe.

Ilang kontrobersiya ang kinasangkutan ng BuCOR kabilang dito ang misteryosong pagkamatay sa COVID ng 9 high profile inmates sa kasagsagan ng COVID-19 pandemic.

Ilan pang kontrobersya sa BuCor ay ang pagpasok umano sa isang Joint Venture Agreement (JVA) sa Agua Tierra Oro Mina Development Corp. (ATOM) ni Bantag na hindi umano dumaan sa konsultasyon sa DOJ at wala rin umanong bidding process para sa paglipat ng NBP mula sa Muntinlupa City patungo sa Nueva Ecija.

Nang malaman ni Gueverra ang kontrobersiyal na JVA ay pinasuspinde niya ito at kinastigo rin ng Muntinlupa City Council si Bantag dahil pumapasok sa isang kasunduan nang walang abiso sa lokal na pamahalaan at walang master development plan.

Wala pang-abiso sa DOJ at Muntinlupa City Government ay nagtayo ito ng pader na nagsara sa mga komunidad at mga kalsada sa paligid ng NBP kaya naman ideneklara itong persona non grata ng lungsod gayundin ang paglabag nito sa mahigpit na pandemic protocols nang payagan nito ang live interview ng isang broadcast network kay Ret. Gen Jovito Palparan sa loob ng kulungan nang walang paalam kay Secretary Guevara.

BUREAU OF CORRECTIONS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with