^

Bansa

'Wala nang sintomas': Marcos Jr. palabas na sa COVID-19 isolation

James Relativo - Philstar.com
'Wala nang sintomas': Marcos Jr. palabas na sa COVID-19 isolation
President Ferdinand Marcos Jr. speaks to employees during a flag raising ceremony at the Kalayaan Grounds in Malacañang Palace, July 4, 2022. The President hopes that the ceremony would be the start of a good working relationship with Palace employees.
Office of the President

MANILA, Philippines — Malaya na mula sa anumang sintomas ng COVID-19 si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa nakalipas na dalawang araw, dahilan para posibleng makalabas na siya mula sa isolation sa Biyernes.

Ito ang sabi ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles, Miyerkules, patungkol sa pinakabagong health bulletin na inilabas ng personal na doktor ng presidente.

"Dr. [Samuel] Zacate gave the happy news that on the 5th and 6th day of his isolation, the president is now free from all symptoms of COVID-19," wika ni Angeles sa isang pahayag kanina.

"Dr. Zacate told the president that that he still needs to complete his seven-day isolation as mandated by the health department’s protocol."

Biyernes lang nang ibalita ni Angeles na nagpositibo si Bongbong sa isang COVID-19 antigen test. Taong 2020 nang tamaan din siya ng naturang nakamamatay na sakit.

Kaninang umaga lang nang bisitahin ng doktor si Marcos Jr. sa kanilang bahay para bigyan siya ng masusing pagsusuri. Natapos naman na raw ng pangulo ang lahat ng kanyang mga gamot, at nalalapit na sa pagbalik sa face-to-face engagements.

Wala nang ubo, lagnat, baradong ilong at nasal itchyness ang kontrobersyal na pangulo, dahilan para ideklara na siyang "asymptomatic" sa ngayon.

"The president’s vital signs are all within normal limit. He has no signs of respiratory distress and very comfortable," dagdag pa ni Angeles habang sinisipi ang health bulletin na inihanda ni Zacate.

"[I]f there is no reappearance of any sign and symptoms related to COVID-19, and provided further that he has no fever” for the next 24 hours, the president can be released from isolation on Friday, July 15."

"If all the aforementioned conditions as stated in the DOH Protocol are met, the president will be given a Certificate of Home Isolation by Dr Zacate. Until then, he will be closely monitored by his lead physician."

Bagama't nagpositibo noon para sa COVID-19, pinangungunahan pa rin niya ang ilang Cabinet meetings sa pamamagitan ng teleconferencing.

Ilan lang si Marcos Jr. sa mga tinamaan ng COVID-19 sa panibagong pagsipa ng mga kaso nitong mga nagdaang linggo at buwan, ito habang tinatayang aabot sa mahigit 11,000 kada araw ang posibleng tamaan nito sa pagtatapos ng Hulyo.

Papalo na sa 3.72 milyon ang tinatamaan ng naturang virus sa Pilipinas simula nang makapasok ito noong 2020. Sa bilang na 'yan, patay na ang 60,640. — may mga ulat mula kay Kristine Joy Patag

BONGBONG MARCOS

NOVEL CORONAVIRUS

TRIXIE CRUZ-ANGELES

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with