^

Bansa

Walang trabaho lumobo sa halos 3-M; 'job quality' lumala sa Pilipinas

Philstar.com
Walang trabaho lumobo sa halos 3-M; 'job quality' lumala sa Pilipinas
Shoe repair worker Alberto Tiong, 34, with amputated left leg, stitches a shoe along a street in Manila on March 4, 2014. He lost his left leg a year ago and is now working as shoe repair worker for five months, earning 6 US dollars a day. The Philippines should create more investment opportunities in agriculture, tourism, manufacturing and mining to escape the curse of jobless economic growth, experts and businessmen said on February 26, 2014.
AFP/Noel Celis, File

MANILA, Philippines — Tumaas ang porsyento ng kawalang trabaho sa Pilipinas habang "lumala naman ang kalidad ng mga inaalok na trabaho," ayon sa bagong datos na nilabas ng Philippine Statistics Authority (PSA) ngayong Huwebes.

Sumirit kasi ang unemployment rate ng bansa nitong Mayo patungo sa 6% o nasa (2.9 milyong Pinoy). Mas mataas 'yan kaysa sa 5.7% nitong Abril na katumbas ng 2.76 milyong katao.

Narito ilang mahahalagang datos pagdating sa employment situation ng Pilipinas:

  • unemployed (2.93 milyon)
  • unemployment rate (6%)
  • underemployment rate (14.5%)
  • employed (46.08 milyon)
  • employment rate (94%)

“In terms of magnitude, 46.08 million out of 49.01 million Filipinos in the labor force 15 years old and over were employed in May 2022, posting an increase of 1.37 million from the 44.72 million employed persons in May 2021,” dagdag pa nila.

Samantala, ang underemployment rate, o ang bilang ng mga manggagawang naghahanap ng mas maganda o mas mahabang oras ng trabaho, ay umakyat din sa 14.5 percent kumpara sa 14% noong Abril.

“[May  2022 underemployment was] higher than the estimated 12.3 percent underemployment rate in the same month a year ago. In April 2022, this was estimated at 14.0 percent. Of the 46.08 million employed persons in May 2022, 6.67 million were underemployed," sabi pa ng PSA.

"Underemployed persons are those who expressed the desire to have additional hours of work in their present job or to have an additional job or to have a new job with longer hours of work."

'Baka pati unemployment i-deny; Gobyerno magplano'

Nanawagan ang isang labor group kay Bongbong na agad kumilos laban sa pagtaas ng kawalang trabaho ng bansa.

“Sana naman ay kilalanin, aksyunan at hindi i-deny ni Marcos Jr. ang taas ng unemployment rate para sa Mayo 2022,” wika ni Jerome Adonis, secretary general ng Kilusang Mayo Uno (KMU), sa isang pahayag kanina.

"Patindi nang patindi ang krisis pang-ekonomiya pero wala kaming naririnig na komprehensibong plano mula sa bagong rehimen."

Ang lahat ng ito ay nangyayari matapos hindi paniwalaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang PSA nang sabihin ng huli na umabot na sa 6.1% ang inflation rate nitong Hunyo, bagay na nangangahulugan ng mas mabilis na pagtaas ng presyo ng bilihin.

Sa kabila nito, sinabi ni Finance Secretary Benjamin Diokno na "misunderstood" lang ang presidente dahil "year-on-year" inflation rate daw mula Enero hanggang Hunyo ang kanyang tinitignan.

Dagdag pa ni Adonis, hindi na kinakailangang maghintay hanggang sa State of the Nation Address, na gaganapin sa July 25, para maglatag ng konkretong plano sa mga manggagawa.

“Mataas kuno ang pangarap sa ekonomya, pero sa loob ng isang linggong pagkakaupo ay walang pagbanggit sa trabaho, sahod at kapakanan ng manggagawa. Bakit kailangan pang hintayin ang unang SONA para maglatag ng kongkretong plano?” dagdag pa niya.

“Mamamatay na kami sa gutom! Higit na kinakailangan ngayong tugunan ang kahingian naming seguridad sa trabaho, dagdag sahod, pagbaba ng presyo, at pagkilala sa aming mga karapatan.” — Philstar.com intern Jomarc Corpuz

PHILIPPINE STATISTICS AUTHORITY

UNDEREMPLOYMENT

UNEMPLOYMENT

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with