^

Bansa

Panukalang 15-day paid 'family, medical leave' inihain sa Senado

Philstar.com
Panukalang 15-day paid 'family, medical leave' inihain sa Senado
This April 1, 2020 photo shows health workers at the Mandaluyong City Medical Center
The STAR/Boy Santos, File

MANILA, Philippines — Inihain ni Sen. Ramon “Bong” Revilla Jr. ang isang panukalang batas na siyang layong bigyan ang bawat ng empleyado ng 15 araw para alagaan ang mga kamag-anak na may sakit o kaya naman ang sarili.

Isinusulong ng Senate Bill No. 24 o "Family and Medical Leave Act of 2022" ang "15 days of paid leave" para sa bawat manggagawa — anuman ang kanyang employment status — na may asawa, magulang, o hindi pa ikinakasal na anak na nakararanas ng malubhang karamdaman.

Mungkahi rin ng panukalang bigyan ng parehong bilang ng araw ang mga empleyadong may malalang sakit.

"Hindi natin masasabi kung kailan magkakasakit ang sinuman sa pamilya natin. Kadalasan ito'y biglaan at hindi inaasahan, kung kaya't binubutas nito ang bulsa at sinasaid ang ipon ng mga Pilipino," ani Revilla sa isang pahayag, Huwebes.

"[K]ung maisasabatas ang Family and Medical Leave Act, mabibigyan na ng pagkakataon ang mga kababayan natin para alagaan ang kanilang kapamilya ng hindi nag-aalala na mawalan sila ng sweldo at trabaho."

Anang senador, madalas kasing nauubos ang pera ng mga Pilipino kapag may nagkakasakit sa pamilya. Sa tuwing nagkakaroon ng sakit ang mga empleyado o kanilang mga kapamilya, madalas ding nauubos ang kanilang sick leave o vacation leaves.

Upang makwalipika sa naturang benepisyo, kailangan lang na may 12 months of rendered work ang empleyado at nakapagtrabaho na nang 1,250 oras.

Ani Revilla, hindi maaaring ipagkibit-balikat na lang ng mga Pilipino ang pamilya nila sa oras ng pangangailangan..

"[W]e know how much love and care Filipinos have for their families, and the sacrifices they would be willing to do in order to be by the side of their sick family members. We cannot abandon them in their time of need," wika niya.

"[W]e should provide them with succor especially because having a sick family member causes not only emotional stress, but inevitably a dent in their savings," giit pa niya. — Philstar.com intern Vivienne Audrey Angeles

BONG REVILLA

PAID LEAVE

SENATE

SICKNESS

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with