^

Bansa

Pagdududa ni Marcos Jr. sa inflation rate 'misunderstood lang' — Diokno

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Dinepensahan ng kalihim ng Department of Finance si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. matapos sabihing "hindi siya naniniwala" sa panibagong datos ng gobyerno pagdating sa bilis ng pagtaas ng presyo ng bilihin. Aniya, mali lang ang intindi sa presidente.

Martes kasi nang mag-"disagree" si Bongbong sa ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA) na umabot na sa 6.1% ang inflation rate. Aniya, "masyado raw itong mataas." Labis itong binatikos ng netizens sa dahilang itinanggi niya pa raw ito kaysa maglatag ng solusyon.

"[L]et me begin by saying that the president’s disbelief at the 6.1%, June 22 inflation rate figure was misunderstood," ani Finance Secretary Benjamin Diokno sa isang press briefing, Miyerkules.

"He was referring to a full year figure when in fact the year today beginning January to June have an inflation rate of actually 4.4% okay? So that’s what he has in mind."

Walang maririnig sa press briefing ni Bongbong na "year-on-year inflation rate" ang kanyang tinutukoy — o 'yung average ng inflation rate mula Enero 2022 hanggang sa pinakasariwang datos noong Hunyo.

 

 

Ang inflation rate ay naitala noong kasagsagan ng sunud-sunod na oil price hikes noong nakaraang buwan, bagay na sinasabing naapektuhan ng gera sa pagitan ng Ukraine at Russia.

Una nang sinabi ni Marcos Jr. na malaking bahagi raw ng inflation na nararanasan ngayon ng Pilipinas ay "imported." Ang ibig niyang sabihin, mahal ang ilang produkto sa Pilipinas dahil mataas na ang presyo ng mga ito sa pinagmulang bansa bago iangkat sa Pilipinas.

"In practice, the BSP projects the monthly inflation rate a few days before the official announcement," sabi pa ni Diokno.

"The inflation rate of 6.1% for June is within the BSP’s forecast range of 5.7 to 6.5% of the month. And from January June 2022 as I earlier mentioned, the average inflation rate of 4.4 is still within the development budget coordination committees target of 3.7 to 4.7% as of May 24th 2022."

"The president is correct in saying the current high inflation experience is global among our peers; Indonesia’s overall inflation climbed to 4.4% in June from 3.6% in May."

Bahagi ng monetary policy ngayon ng Pilipinas ang paggamit ng interest rates para makontrol ang inflation rates.

Una nang ipinapanawagan ng ilang progresibo ang pagbabasura sa Oil Deregulation Law at pagsususpindi sa pangongolekta ng excise tax sa langis upang makatulong laban sa pagtaas ng singil sa petrolyo at mga pangunahing bilihin. — James Relativo at may mga ulat mula kay Philstar.com intern John Vincent Pagaduan

BENJAMIN DIOKNO

BONGBONG MARCOS

DEPARTMENT OF FINANCE

INFLATION RATE

PHILIPPINE STATISTICS AUTHORITY

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with