^

Bansa

Street sweeper, magsasaka jackpot winners sa lotto; tig-P100-M premyo kinubra

Philstar.com
Street sweeper, magsasaka jackpot winners sa lotto; tig-P100-M premyo kinubra
Litrato ng babaeng street sweeper (kaliwa) mula Malabon at 29-anyos na magsasaka mula Quezon na nanalo ng mahigit P100 milyon mula sa lotto
Released/PCSO

MANILA, Philippines —  Inuwi na isang tagawalis mula sa Malabon at magsasaka mula sa probinsya ng Quezon ang magkahiwalay na panalong aabot sa tig-P100 milyon sa lottery draw ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Sa pahayag na inilabas ng PCSO, sinabing nakuha na ng babaeng street sweeper ang halagang P103,269,281.60 matapos tamaan ang kombinasyong lumabas sa MegaLotto 6/45 draw noong June 17, 2022. 

"Ako po ay naka subscribe sa PCSO sa FB page po, kaya noong gabi pa lang pagkatapos ng draw inabangan ko talaga ang update sa aking cellphone. Una po, akala ko lima lang ang aking tinamaan, inulit kong tingnan kinabukasan at doon ko nakita lahat pala ng numero ay tinamaan ko," sabi ng babae sa isang pahayag na inilabas nitong Lunes.

"Napaluhod at umiyak ako dahil hindi ko inakala."

Batay sa pahayag mula sa PCSO, 25-taon na namamasukang street sweeper ang babae habang wala raw permanenteng trabaho ang kanyang asawa. 

Araw-araw tumataya sa lotto ang babae dahil sa pangarap na tatama at magiging milyonaryo. Umaabot sa P300 to P400 ang naitataya niya araw-araw sa pagbabakasakaling makukuha ang jackpot prize.

Plano raw niyang hatiin sa kaniyang mga anak ang premyo, bumili ng bahay, hatian ang mga kapatid at magbigay sa Simbahan.

P100-M premyo rin sa magsasaka

Kinubra na rin ng sole winner mula sa General Luna, Quezon ang napanalunang P100,064,568.00.

Napanalunan ang nasabing jackpot prize sa lumabas na mga numero sa Ultra Lotto 6/58 draw noong May 24, 2022.

Ayon sa impormasyong inilabas ng PCSO, ang 29-anyos na magsasaka na tumama sa Ultra Lotto ay gumamit lang umano ng "lucky pick" system.

“Sa loob ng ilang taong pagbabakasakali, hindi ako makapaniwala na nakamtan ko ito ngayon,” sabi ng 29-anyos na magsasaka.

Sa ilalim ng Republic Act 1169, kailangang i-claim ng mga nanalo ang papremyo sa loob ng isang taon upang maiwasang ma-forfeit ito.

Lahat din ng mga papremyong lalagpas sa P10,000 ay sakop ng 20% tax sa ilalim ng TRAIN LAW. — Philstar.com intern John Vincent Pagaduan  

FARMER

LOTTERY

PHILIPPINE CHARITY SWEEPSTAKES OFFICE

STREET SWEEPER

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
no session for state
no session for code
no session for id_token
no session for user