^

Bansa

Seguridad sa 1st SONA ni BBM, ikinakasa ng PNP

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
Seguridad sa 1st SONA ni BBM, ikinakasa ng PNP
Pinangunahan ni President Ferdinand Marcos Jr. ang change of command ng Presidential Security Group na idinaos kahapon sa Malacañang Park.
KJ Rosales

MANILA, Philippines — Matapos ang mata­gumpay na seguridad sa inagurasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., seguridad naman sa unang State of the Nation Address (SONA) ni BBM ang pinaghahandaan ngayon ng Philippine National Police (PNP) ngayong buwan sa  Batasang Pambansa.

Ayon kay PNP Director for Operations Police Major General Valeriano de Leon, ngayon pa lamang ay pinagpaplanuhan na nila ang lahat ng posibleng sitwasyon sa loob at labas ng Batasan Complex, kung saan isasagawa ang SONA.

Sinabi ni De Leon na personal niyang panga­ngasiwaan ang security preparations tulad ng kanyang ginawa noong inaugurations ni Marcos sa National Museum.

Aniya, kabilang na dito ang seguridad sa mga nagsasagawa ng protesta laban sa administrasyon taun-taon.

Giit ni De Leon, irere­komenda nila ang mga freedom parks upang maiwasan ang anumang aberya at perwisyo sa ibang mga motorista.

Bagamat ipinatutupad nila ang maximum tole­rance sa mga nagpoprotesta, umapela rin ito sa grupo na huwag hamunin o udyukin ang kapulisan.

Dagdag ni De Leon, tinitiyak nilang hindi malalabag ang karapatan ng bawat Filipino sa pagpapatupad ng kanilang tungkulin.

Tiwala si De Leon na maidaraos din ng maayos at mapayapa ang SONA kung pagbabatayan ang eksperyensiya sa nakalipas na halalan, at inagurasyon ng Bise-Presidente at Presidente.

 

SONA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
no session for state
no session for code
no session for id_token
no session for user