^

Bansa

BBM-Sara ‘di makikinabang sa term extension, re-election

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
BBM-Sara âdi makikinabang sa term extension, re-election
Matiyagang nag-fill up ng kanyang registration form ang isang lolo para samantalahin ang Comelec voter registration para sa mga bagong botante.
Walter Bollozos

MANILA, Philippines — Hindi makikinabang sa isinusulong na charter change o pagretoke sa Saligang Batas sina President Ferdinand ‘Bongbong” Marcos Jr. at Vice President Sara Duterte kaugnay ng pagpapalawig ng termino o 10 taon sa serbisyo publiko.

Ito ang nilinaw ni 3rd District Pampanga Rep. Aurelio “Dong” Gonzales, principal author ng Resolution of Both Houses (RBH) No.1 na naglalayong ga­wing limang taon ang termino ng Presidente at Bise Presidente at maari ang mga itong tumakbo sa re-election para sa karagdagan pang 5 taon o kabuuang 10 taon sa puwesto.

Alinsunod sa itinatakda ng Saligang Batas, ang termino ng Presidente ay anim na taon pero bawal ang re-election habang ang Bise Presidente ay isang beses lamang maa­ring tumakbo sa re-election.

Nakasaad rin sa inihaing RBH 1 ni Gonzales na ang Presidente at Bise Presidente ay dapat iboto ng tandem.

Itinanggi naman ni Gonzales ang mga haka-haka na inihain niya ang RBH 1 upang palawigin pa ang termino nina BBM at Sara.

Ayon kay Gonzales, sakaling maaprubahan ang kaniyang panukalang batas ng 19th Congress ay magsisimula ito sa 2025 kung saan nasa mid-term na sa puwesto ang dalawang mataas na lider ng bansa.

Itinanggi rin ni Gonzales na ‘self-serving’ ang inihain niyang resolusyon dahilan nasa ikatlo na siyang termino bilang mambabatas sa Kamara.

Sa katunayan, ayon sa solon ang suwerte rito ay ang mga mambabatas na nasa ikalawang termino dahil ang mga ito ang mabebenepisyuhan ng panukala.

Binigyang diin ni Gonzales na sa kasalukuyan ay kulang ang anim na taong termino ng Pangulo at Bise Presidente para tapusin ang kanilang mga programa para sa bayan.

Idinagdag pa ng solon na halos P12 trilyon ang utang ng Pilipinas, nagpapatuloy pa ang COVID-19 pandemic habang patuloy ang serye ng pagsirit ng presyo ng langis at mga produktong petrolyo na pinalala pa ng giyera ng Ukraine at Russia.

 

SARA DUTERTE

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with