^

Bansa

'Hindi tsismis': Solon ipinababalik Philippine History sa HS curriculum

Philstar.com
'Hindi tsismis': Solon ipinababalik Philippine History sa HS curriculum
This handout file picture taken 16 February 1986 shows Philippines President Ferdinand Marcos (C) receiving a kiss from his wife Imelda following his victory in the 07 February 1986 presidential elections, at Malacanang presidential palace in Manila. Imelda Marcos says she has nothing to be ashamed of. For 20 years as first lady of the Philippines she lived a fairytale existence only to see it all disappear in a whirlwind of public outrage over the greed and excesses of the Marcos years, 08 October 2007. Through it all Imelda rode the storm.
AFP

MANILA, Philippines — "Pinatunayan lamang muli na [k]ailangan talaga na ibalik ang Philippine History bilang asignatura sa high school dahil ngayon, tinuturing na lamang itong 'tsismis' ng iilan upang baluktutin ang kasaysayan ng ating mamamayan" — ito ang pahayag ni ACT Teachers Representative France Castro kaugnay ng kontrobersyal na pahayag ng isang artista.

Hinimok ni Castro ang incoming House leadership na unahing ipasa ang House Bill 207 na siyang naglalayong italaga ang Philippine History bilang isang dedicated subject sa kurikulum ng high school.

Ilang araw pa lang kasi nang ihalintulad ng aktres na si Ella Cruz — na gaganap bilang Irene Marcos sa pelikulang "Maid in Malacañang" — sa tsismis ang kasaysayan. Ikinagalit ito nang marami sa social media lalo na't nagiging isyu sa ngayon sa historical revisionism.

Ani Castro, simula kasi nang tanggalin ng Department of Education (DepEd) ang Philippine History sa high school curriculum ay bahagyang isinisingit na lang ang kasaysayan ng bansa sa iba pang subject imbes na mabigyang-diin ang historical facts.

"[U]nder K to 12 [program], the Department of Education [r]emoved Philippine History from the curriculum of high school students. In effect, discussions of events in Philippine history are only integrated in several subjects instead of an independent subject focused on teaching the narration of facts and ensuring that the students understand the implications of these events in our daily lives today," saad niya.

"Hindi dapat simpleng isinisingit na lamang ang kasaysayan sa ibang mga asignatura... Nawawala ang fundamentals na ipagiiba ang kasaysayan na bahagi ng social science sa simpleng 'tsismis' o pagmamarites," pagpapatuloy niya.

Pagbibigay-diin pa ni Castro, “hindi 'kwentong barbero ang pag-aaral ng kasaysayan” dahil dumadaan ito sa proseso ng fact checking.

"We are already seeing the destructive effects of the absence of Philippine History as a subject in basic education. [W]e urge the incoming House Leadership to prioritize passing this measure into law. We also challenge the next secretary of education to ensure the return of Philippine History to the high school curriculum," pahayag niya.

"It is up to the government to ensure that education is a priority, that our educators have adequate support and that the curriculum does not aid historical revisionism and denialism for the sins against the Filipino people."

Inihain ni Castro ang House Bill 207 bilang bahagi ng kanyang priority legislation  sa ika-19 Kongreso.

Una nang hinimok noong Mayo ng naturang party-list ang DepEd na ibalik ang Philippine History subject dahil sa talamak na pagbabago ng kasaysayan pabor sa pamilya ng diktador at dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr.

'Respect opinion na lang’

Para sa 25-anyos na aktres, dapat ay respetuhin na lang ng bawat isa ang kanya-kanyang opinyon ng tao. Aniya, may bias naman kasi ang history.

“History is like tsismis. It is filtered and dagdag na rin, so, hindi natin alam what is the real history. Andoon na iyong idea, pero may mga bias talaga. As long as we're here alive at may kanya-kanyang opinion, I respect everyone's opinion,” pahayag ni Cruz.

“Kasi struggling na eh, last three days! Kahit naman sila struggling even right now, di ba? So, paano kaya iyon na there (was) so much pressure on their side during those times?” 

Si Ella ay gaganap bilang kapatid ni Pangulog Ferdinand Marcos Jr. sa pelikula ng direktor na si Darryl Yap, na kilalang tagasuporta ni Bongbong.

History is not chismis

Kaugnay ng viral statement ng aktres, naglabas naman ng pahayag ang Filipino public historian na si Ambeth Ocampo. Anya, naka-angkla sa katotohanan ang kasaysayan at hindi sa kasingulangan o kathang-isip.

"Don't confuse History and chismis,” paalala ni Ocampo.

“History may have bias but it is based on fact and opinion. Real History is about Truth not lies, not fiction,” giit niya.

KPL niyaya ng 'friendly chat' si Ella

Samantala, inimbitahan naman ng progresibong Kabataan party-list si Cruz para sa isang "friendly chat or dialogue" hinggil sa kanyang pag-unawa sa Kasaysayan.

Ani Kabataan Partylist Rep. Raoul Manuel, hindi pakikipag-tsismis ang ginagawa ng mga istoryador.

"Ella Cruz, kagalang-galang at mahirap ang ginagawa ng historians. Hindi sila nakikipag-tsismisan o nagme-memorize lang ng dates," aniya.

"Sana may oras ka para makausap ng kapwa Kabataan re: PH history. You are on the wrong side of history if you act as an apparatus to distort it."

Una nang sinabi ni Marcos Jr. sa kanyang inauguration speech na kailangang baguhin ang pagtuturo at mga kagamitan sa eskwelahan, ngunit hindi naman daw niya ipababago ang mga materyales na ginagamit sa pagtuturo ng kasaysayan.

Kilala ang diktadurang Marcos Sr. sa kaliwa't kanang human rights violations noong Martial Law, maliban pa sa ill-gotten wealth na kinilala ng Supreme Court noong 2003, 2012 at 2017. Tinatayang nasa $5 bilyon hanggang $10 bilyon ito. — Philstar.com intern Vivienne Audrey Angeles

BONGBONG MARCOS

ELLA CRUZ

FERDINAND MARCOS

HISTORY

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with