^

Bansa

Batanes, Cagayan uulanin dahil sa Habagat

Philstar.com
Batanes, Cagayan uulanin dahil sa Habagat
Isolated light rains are expected over Metro Manila with temperatures ranging from 24 degrees Celsius to 31 degrees Celsius.
The STAR/Andy Zapata Jr.

MANILA, Philippines — Patuloy na magdadala ng pag-ulan ang Habagat sa kanlurang bahagi ng Northern Luzon at magsasanhi ng kalat-kalat na mga pag-ulan at pagkidlat-pagkulog sa probinsya ng Batanes at Cagayan, ayon sa PAGASA, Lunes.

Batay sa latest forecast ng ahensya, mararanasan ang "bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may pulu-pulong mga pag-ulan o pagkidlat-pagkulog sa Isabela, Quirino, Nueva Vizcaya, Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, Pangasinan, Abra, Apayao, Kalinga, Mt. Province, Ifugao, Benguet at Aurora dahil sa Lokal na mga pagkidlat-pagkulog."  

Dagdag pa rito, inaasahang magdadala rin ang Habagat ng mahina hanggang sa malakas na hangin sa Hilagang Luzon at probinsya ng Aurora. 

Samantala, makakaranas naman ang Metro Manila at iba pang lalawigan sa bansa ng maulap na kalangitan at pulu-pulong pag-ulan at pagkidlat-pagkulog dahil sa localized thunderstorms.

Binalaan naman ng ahensya ang publiko sa posibleng pagkakaroon ng flash floods o landslides dahil sa severe thunderstorms.

Kaugnay nito, wala naman umanong namamataang namumuong bagyo ang ahensya sa Dagat Pasipiko.

"Sa susunod na tatlong araw mula July 5 hanggang July 7, sa Metro Manila, Baguio City at sa Legazpi City, [m]agandang panahon po [a]ng mararanasan natin maliban sa mga localized thunderstorm, madalas po yan sa hapon o gabi," wika ni Aldczar Aurelio sa weather report.

"[S]a Metro Cebu, [s]a [M]artes at [M]iyerkules, maulap ang kalangitan na may mga kalat-kalat na thunderstorm. [S]a Metro Davao, sa susunod na tatlong araw, magiging maganda ang panahon na mararanasan," pagpapatuloy niya.

Nito lamang Sabado nang lumabas sa Philippine area of responsibility ang Tropical Storm na si Domeng. — Philstar.com intern Vivienne Audrey Angeles

BATANES

CAGAYAN

HABAGAT

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with