^

Bansa

P500 ayuda sa mahihirap ibibigay na ngayon - DSWD

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
P500 ayuda sa mahihirap ibibigay na ngayon - DSWD
Target ng DSWD na maibigay sa 12.4 milyong Pilipinong benepisyaryo sa ilalim ng Targeted Cash Transfer (TCT) Program ang nasabing ayuda ngayong linggo.
BusinessWorld / File

MANILA, Philippines — Nangako si Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Erwin Tulfo na simula ngayong araw ay matatanggap na ng ilang mga mahihirap na kababayan ang ipinangako na P500 ayuda ng pamahalaan bilang tugon sa tumataas na presyo ng bilihin sa bansa.

Target ng DSWD na maibigay sa 12.4 milyong Pilipinong benepisyaryo sa ilalim ng Targeted Cash Transfer (TCT) Program ang nasabing ayuda ngayong linggo.

Ayon kay Tulfo, ngayong Lunes ng umaga (July 4) ay sisimulan na ng kaniyang ahensiya ang pag-deposito ng ayuda sa cash card ng mga benepisyaryo na maaaring tumagal lamang ng lima hanggang anim na araw.

“Tumawag po sa akin nitong Sabado si Pangulong BBM para kumustahin kung kailan maibibigay ang ayuda ng mga tao, sabi ko sa Lunes ng umaga po Sir”, sabi ni Sec. Tulfo.

Inilabas ng Department of Budget and Management (DBM) nitong Biyernes ang P6.2 bilyong pondo para sa buwanang ayuda ng mga Pilipinong kabilang sa tinatawag na “low-income families”.

“Makakatulong ang halagang ito para sa ating mga kababayan na mahihirap lalo na’t patuloy pa ring tumataas ang presyo ng mga bilihin dahil na rin sa krisis na kinahaharap ng buong mundo”, anang kalihim.

Ang Targeted Cash Transfer (TCT) Program ng pamahalaan ay ang pagbibigay ng P500 kada buwan sa mga mahihirap na Pilipino sa utos na rin ni dating Pangulong Duterte noong buwan ng Mayo ngunit nitong Biyernes lamang naipalabas ang pondo sa ilalim na ng administrasyon ni Pangulong Marcos Jr.,

Ang programang ito ay ipatutupad ng DSWD sa loob ng anim na buwan upang makatulong sa taumbayang naghihirap dahil sa mataas na presyo ng gasolina at mga bilihin.

Ang mga benepisiyaryong makakatanggap ng ayuda ay binubuo ng 4 na milyong pamilya mula sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps); 6 na milyong non-4Ps na dating benepisyaryo ng Unconditional Cash Transfer Program; at 2.4 pamilya na nasa ‘Listahan’ o poverty data ng DSWD.

Umapela si Tulfo sa mga benepisyaryo na gamitin sa tama ang kanilang mga ayuda.

Nagpaalala rin siya na maaring maalis sa listahan ang mga benepisyaryo na mahuhuling ginagamit lang sa ilegal gaya ng pagsusugal ang kanilang mga ayuda.

“Para ito sa pamilya ninyo kaya’t hiling ko ay gamitin niyo ito sa ayos at huwag sayangin sa anumang ilegal na bagay,” ayon kay Tulfo.

Sa ilalim ng direktiba ni Pangulong BBM siniguro ni Tulfo na laging nariyan ang pamahalaan para tulungan ang mga Pilipino lalo na sa oras ng kanilang panga­ngailangan.

AYUDA

DSWD

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with