^

Bansa

17 rehiyon nakapagtala ng 45% vaccination sa seniors

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nakapagtala ng higit sa 45% vaccination rate sa senior citizen population ang lahat ng 17 rehiyon sa bansa, ayon sa Department of Health (DOH) kahapon.

Sa ulat ng National Vaccination Operations Center, pinakamataas ang vaccination rate sa Cagayan Valley at Cordillera Administrative Region, na may 92.8% at 90.7% vaccine coverage, ayon sa pagkakasunod.

Pinakamababa ang Bangsamoro region na mayroong 46% vaccine coverage sa senior citizen.

Sa naturang ulat, umabot na sa 70,853,659 indibi­duwal ang nakakumpleto ng ‘primary series’ ng bakuna habang 15,017,716 ang nabigyan ng ikatlong dose o unang booster shot.

Sa adolescent group (12-17 years old) na may comorbidities, nasa 801 indibiduwal pa lamang ang nabibigyan ng booster dose, habang naghahanda na ang NVOC sa pagbibigay ng booster sa iba pang bahagi ng naturang age group na walang comorbidities.

Nakikipag-ugnayan din ang DOH sa iba’t ibang tanggapan para malikom ang lahat ng ulat at maisapinal ang bilang ng mga bakuna na malapit nang ma-expire.

Nauna nang sinabi ni Vaccine Czar Carlito Galvez Jr. na papalitan ng World Health Organization-led COVAX Facility ang lahat ng expired na bakuna sa bansa. Nangako rin ang COVAX Facility na maghahatid ng hindi bababa sa 17 milyon pang doses ng Covid-19 jabs sa Pilipinas.

DOH

SENIOR CITIZEN

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with