^

Bansa

Pagtatayo ng Bulacan Ecozone, pinigil ni Marcos

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Pagtatayo ng Bulacan Ecozone, pinigil ni Marcos
Once completed, the Bulacan airport will accommodate 100 to 200 million travellers annually — higher than the Ninoy Aquino International Airport’s 31-million-passenger capacity.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Hindi na matutuloy ang planong pagtatayo ng special economic zone at freeport sa Bulacan matapos i-veto ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang panukalang batas tungkol dito.

Ipinaliwanag ni Marcos sa sulat na ipinadala sa tanggapan ng Se­nate President na hindi niya susuportahan ang enrolled bill dahil magdadala ito ng malaking panganib sa pananalapi ng bansa.

Binanggit din ni Marcos na kinikilala niya ang layunin ng panukala na palakasin ang lokal na ekonomiya pero mayroon itong probisyon na magdudulot ng “substantial fiscal risks” sa bansa at sasalungat sa mandato at awtoridad ng ibang ahensya.

“While the administration recognizes the objective of the proposed measure to acce­lerate economic growth in its locality, I cannot support the bill consi­dering the provisions that pose substantial fiscal risks to the country and its infringement on the conflict with other agencies’ mandates and authorities” ani Marcos.

Kabilang sa nakitang butas ni Marcos sa enrolled bill ay ang kawalan ng audit provisions para sa Commission on Audit.

Pinuna rin nito ang proseso para sa pagbabayad sa mga lupang masasakop ng econo­mic zone na naibigay na sa mga benepisyaryo ng Agrarian Reform.

Wala rin aniyang mas­ter plan para sa eco­nomic zone.

Ang balak na itayong economic zone rin aniya ay masyadong malapit sa Clark Special Economic Zone na labag sa polisiya ng gobyerno sa pagtatayo ng mga special economic zones sa mga strategic locations.

Sinabi ni Marcos na dapat magkaroon muna ng malalim na pag-aaral ang National Economic and Development Authority (NEDA) tungkol sa panukala na ibinalik na sa Kongreso.

CLARK

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with