^

Bansa

Publiko pinag-iingat ng POEA sa text scam na nag-aalok ng trabaho

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Publiko pinag-iingat ng POEA sa text scam na nag-aalok ng trabaho
Ayon kay POEA Administrator Atty. Bernard Olalia, naglipana ang mga online scam na kahit ang POEA ay nadadamay.
Photo by Dean Moriarty via Pixabay

MANILA, Philippines — Pinag-iingat ng Philippine Overseas Employment Administration ang publiko sa talamak na mga text messages na nag-aalok ng trabaho.

Ayon kay POEA Administrator Atty. Bernard Olalia, naglipana ang mga online scam na kahit ang POEA ay nadadamay.

Inamin din ni Olalia na maging siya ay hindi pinaligtas ng mga scammer at nakatanggap siya ng mensahe na siya ay naaprubahan sa kanyang puwesto at mayroon siyang job order sa POEA.

“Ako mismo po, nakatanggap ako na sinasabi doon sa text na natanggap ko sa aking cellphone na ako raw ay naaprubahan ang aking puwesto ‘no. Mayroon daw akong job order o job offer sa POEA. Eh paano mangyayari iyon eh ako mismo iyong administrator,” ani Olalia.

Pinayuhan ni Olalia ang mga makakatanggap ng mga text na huwag maniwala at lalong huwag bubuksan ang link upang hindi makunan ng impormasyon.

Iwasan na lang aniya ang mga nasabing text messages at mga online scams.

vuukle comment

POEA

SCAM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with