^

Bansa

Na-red tag na doktor muling pinaaaresto

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Na-red tag na doktor muling pinaaaresto
In this undated photo shows Dr. Ma. Natividad Castro.
Facebook / Jun Castro

MANILA, Philippines —  Ipinadadakip muli ng mababang korte sa Agusan del Sur ang isang community doctor na una nang na-red tag at sinampahan ng kasong kidnapping at serious illegal detention, ayon sa Department of Justice (DOJ) kahapon.

Sa kautusan na inilabas ni Agusan del Sur Regional Trial Court Branch 7 acting Judge Fernando Fudalan Jr. nitong Hunyo 16, isang e-warrant ang inilabas laban kay Dr. Maria Natividad Castro, para harapin niya ang mga kasong inihain laban sa kaniya.

Unang dinakip si Castro sa kaniyang bahay noong Pebrero 2022 dahil sa nabanggit na mga kaso.  Noong Marso 25, ipinag-utos ni Judge Fudalan ang pagpapalabas sa kulungan kay Castro makaraang madismis ang kaso dahil sa paglabag umano sa kaniyang karapatan sa ‘due process’ at kawalang hurisdiksyon.

Sa briefer nitong Miyerkules, sinabi ng DOJ na base sa mosyon ng prosekusyon, binaligtad ni Executive Judge Ferdinand Villanueva ang naunang kautusan noong Marso. Ito ay dahil sa hindi naman umano nagkaroon ng ‘denial’ sa due process sa parte ni Castro dahil nagkaroon ng preliminary investigation ang prosekusyon at may hurisdiksyon ang korte kay Castro dahil sa nadakip siya sa bisa ng warrant of arrest.

“Per Court Order dated 16 June 2022, an e-warrant of arrest will be issued against accused Dr. Maria Natividad Castro,” sabi ng DOJ.

Sa kabila umano na hindi nahainan ng ‘summons’ si Castro, binigyang-timbang ng korte ang argumento ng complaintant na miyembro ng New People’s Army ang doktor. Ito ay sa kabila ng madiing pagtanggi ng medical community at ng abogado ni Castro.

Sa isang press release noong Pebrero, inakusahan ng Philippine National Police si Castro na miyembro ng Communist Party of the Philippines’ Central Committee at pinuno pa ng national health bureau nito na nakabase sa Barangay Libertad sa Butuan City.

DOJ

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with