^

Bansa

Physical distancing sa mga iskul, luluwagan sa susunod na pasukan

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Physical distancing sa mga iskul, luluwagan sa susunod na pasukan
Grade 2 pupils along with their teachers form a line as they wait for their respective room assignments for their afternoon class at Malanday Elementary School on June 8, 2022.
Walter Bollozos/The Philippine STAR

MANILA, Philippines — Maaari na umanong luwagan ang physical distancing rule sa mga paaralan sa pagdaraos ng limited in-person classes sa Agosto, sa mga lugar na nasa ilalim ng COVID-19 Alert Level 1.

Sinabi ni Education Undersecretary Nepomuceno Malaluan na inabisuhan na ng Department of Health (DOH) ang DepEd na maaari na nilang i-relax ang distancing protocol, sa mga paaralang nasa ilalim ng pinakamababang alert level.

Nangangahulugan ito na mas marami pang estud­yante ang papayagang makadalo sa classroom sessions sa susunod na pasukan.

Nasa proseso na rin ang DepEd nang pagbuo ng mga guidelines para sa pagtuturo sa susunod na school year, na siya ring tutukoy kung paano ipatutupad ang blended learning.

Tutukuyin din aniya kung gaano kadalas ang araw na magpi-face-to-face classes, gayundin ang araw para sa remote learning.

Sakaling magkaroon ng potensiyal na surge ng COVID-19 cases na magtutulak sa pamahalaan na itaas ang alert level sa isang lugar, sinabi ni Malaluan na batid na ng mga paaralan ang mga protocols na dapat gawin.

“It really works like our storm signal... Alam na ng ating paaralan ang protocols for each of these alert levels,” aniya.

 

FACE TO FACE CLASS

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with