^

Bansa

Pagpapalit ng pangalan ng NAIA, napapanahon

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Napapanahon na upang itama at palitan na ang pangalan ng Ninoy Aquino International Airport ( NAIA), ang pambansang paliparan ng bansa.

Ito ang inihayag kahapon ni Deputy Speaker at 3rd District Negros Orien­tal Rep. Arnie Teves kung saan maghahain ito ng panukalang batas sa pagbubukas ng 19th Congress upang itama ang pangalan ng NAIA na dating Manila International Airport (MIA).

“Dapat na po natin itama ang pangalan ng ating international airport. Akin po na ihahayag ang dapat na maging bagong pangalan nito sa sandaling ma-i-sumite ko na ito (House Bill),” pahayag ni Teves na muling nanalo bilang Kongresista sa kaniyang distrito.

“Kasabay po ng aking pag-sumite ay hinihiling ko rin ang suporta ng aking mga mahuhusay na kapwa mambabatas upang agarang maaprubahan at maisabatas ito,” dagdag ni Teves, isa sa mara­ming batas na nalagdaan ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte kamakailan.

Una ng isinulong ni Duterte Youth Partylist Group Rep. Ducielle Marie Cardema na maibalik muli ang NAIA sa dati nitong pangalan na MIA base sa inihain nitong House Bill 10833.

NAIA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
no session for state
no session for code
no session for id_token
no session for user